Home ENTERTAINMENT Buboy, basag sa IG!

Buboy, basag sa IG!

Manila, Philippines – Parang krimeng walang kapatawaran ang ginawa ni Buboy Villar sa recent episode ng Eat Bulaga.

Ito ‘yung namahagi sila ni Isko Moreno ng instant P1k sa mga random commuters ng MRT.

Sa segment ‘yon na G sa Gedli kung saan sa Cubao station bumaba ang dalawang hosts.

Patapos na sana ang segment nang mamataan ni Buboy ang isang matandang babae, nilapitan at sandaling kinapanayam.

Obyus na hindi sinasadyang pasalamatan ng lola ang mga dating hosts ng EB.

Pero maagap na nakabig ni Buboy ang mikropono pero dinig pa rin ang pasasalamat ng lola kay Joey de Leon.

Kumbaga, nakalusot ang pagbanggit ng matanda kina Tito at Vic.

Doon na nag-ugat ang kaliwa’t kanang pamba-bash kay Buboy lalo na sa Instagram.

Naroong tawagin siyang bastos, walang modo, basura, unano at walang respeto.

May isa pang comment na kung gaano raw kapangit ang hitsura ni Buboy ay ganoon din daw kapangit ang ugali nito.

Still another netizen posted na kahit daw nasa harap ng camera si Buboy ay mukha itong adik!

Dangan kasi’t ginaya na lang sana ni Buboy si Isko na sinakyan ang isang dating random winner na ‘di rin sinasadyang magpasalamat sa TVJ.

Had Buboy done an Isko Moreno, baka nagustuhan at napuri pa siya ng mga netizens.

On the other hand, however, sapat nang pinagdusahan ni Buboy ang inasal niya by getting the flak.

Huwag nang ipakadiin ang kawalan niya ng manners by calling him names.

Siguro nama’y natuto rin si Buboy at iiwasan nang mangyari uli ‘yon.

At this point, hindi natin masisisi ang mga old-time viewers ng EB who have yet to move on mula sa nangyari sa kanilang paboritong show.

Samantala, may patutsada sina Tito Sotto at Joey de Leon makaraang i-renew ang trademark ng EB for another 10 years.

Ani Tito: “Magsawa kayo sa trademark, basta amin ang copyright!”

Hirit naman ni Joey: “Sa inyo na ang renewal, amin ang numeral!” Ronnie Carrasco III

Previous article2 sa 7 holdaper na bumiktima sa 2 waitress sa Malabon, arestado
Next articleLolit, may babala sa PTV4 kung pagbibigyan si Willie!