Home NATIONWIDE Angat, Binga dam nasa flood watch ng PAGASA

Angat, Binga dam nasa flood watch ng PAGASA

MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ng weather bureau na PAGASA ang dalawang major dams sa posibleng pag-apaw nito.

Sa bulletin ng ahensya 2:30 PM nitong Sabado, Agosto 5, ang Angat sub-basin at Binga-Ambuklao-San Roque sub-basins ay isinailalim sa flood watch.

Naitala ang 199.33 metrong lebel ng tubig sa Angat Dam habang ang Binga-Ambuklao-San Roque dam ay nasa 262.58 metro na itinuturing na “above critical water level.”

Matatandaan na mabilis na tumaas ang tubig sa mga dam dahil sa malalakas at tuloy-tuloy na mga pag-ulan sa mga nagdaang araw dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Egay at Falcon. RNT/JGC