Home NATIONWIDE 1 patay sa sunog sa Bauan, Batangas

1 patay sa sunog sa Bauan, Batangas

109
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang indibidwal sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Barangay Cupang, Bauan, Batangas, nitong Sabado ng umaga, Mayo 17.

Sa ulat, nilamon ng malaking apoy ang dalawang palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang “Mariafe,” 59-anyos.

Sumiklab ang sunog 9:50 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ngunit hindi pa matukoy ang sanhi nito.

Sinubukan pa ng asawa ng may-ari ng bahay na si Edison Magnaye, 56-anyos na isalba ang ilang mga gamit pero nahirapan itong huminga.

Itinakbo pa ang biktima sa Bauan Doctors General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor dahil sa atake sa puso.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here