Home METRO Kagawad pinagbabaril sa harap ng barangay hall sa Cavite

Kagawad pinagbabaril sa harap ng barangay hall sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang barangay kagawad ang namatay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanyang sasakyan sa harap ng barangay hall sa Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Christopher Aron, 48 anyos, may asawa, kasalukuyang kagawad ng naturang barangay.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10:20 ng umaga nang maganap ang insidente, habang sakay ng kaniyang Toyota Innova.

Pagbaba para magtungo sa barangay hall ay tinatapatan ito ng motor at pinagbabaril ng dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo.

Agad namang naitakbo sa MV Santiago Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot pa nang buhay.

Base sa pullisya, personal na alitan ang tinitingnang motibo sa pagpatay.

Patuloy naman ang manhunt operation ng Cavite Police kaugnay sa nasabing insidente para sa agarang ikadarakip ng suspek. MARGIE BAUTISTA