Home NATIONWIDE Libo-libong residente inilikas sa baha sa Maguindanao del Sur

Libo-libong residente inilikas sa baha sa Maguindanao del Sur

MANILA, Philippines – Mahigit 30,000 residente mula sa tatlong bayan ng Maguindanao del Sur ang inilikas dahil sa matinding baha dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nitong Linggo, Mayo 18, ang kabuuang 6,023 pamilya o 30,115 indibidwal ang apektado ng pagbaha sa mga bayan ng Datu Abdullah Sangki, Shariff Aguak at Datu Saudi Ampatuan.

Binaha rin ang bayan ng Datu Salibo, na nagsisilbing catch basin sa mga baha mula sa South Cotabato at Sultan Kudarat.

Lubog sa baha ang lahat ng 17 barangay ng Datu Salibo.

Samantala, bukod sa baha ay iniulat din ang infrastructural damage sa naturang mga bayan, kabilang ang tulay sa Barangay Bagumbong, Mamasapano, na nagsisilbing ‘vital link’ para sa transportasyon at mobility sa lugar. RNT/JGC