Home HOME BANNER STORY 1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, sangkot sa droga...

1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, sangkot sa droga – PNP

MANILA, Philippines – Sangkot sa illegal na droga ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa broadcast journalist mula Calapan City, Oriental Mindoro.

Matatandaan na pinagbabaril-patay nitong Miyerkules, Mayo 31 ang radio broadcaster na si Cresenciano Bunduquin, 50, ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Oriental Mindoro Provincial police chief Col. Samuel Delorino sa panayam ng TeleRadyo, nasawi ang isa sa mga suspek nang banggain ito ng sasakyang minamaneho ng anak ni Bunduquin.

“Itong profile natin, itong isang namatay ay na-involve na ito sa drugs, meron itong kasong, nakapag- plea bargaining kaya nakalaya. At yun nga, meron pa kaming tinitingnan na allegedly ay meron pang kasong ito na frustrated murder,” ani Delorino.

Tinitingnan na rin ang lahat ng anggulo sa pagpatay sa mamamahayag.

Samantala, sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinaghahanap ang isa sa mga suspek na nakatakas.

“Finallow-up natin sa mga kung saan saan nakatira, sa lahat ng pinupuntahan niya at pinagtanong-tanong din natin. Eh wala na doon sa lugar. Hindi na natin makita. At talagang nagtatago eh,” pagbabahagi ni Delorino.

“Yung witness po ay meron tayong binigay na proteksyon sa kaniya, at ina-assure natin na siya ay safe. At yung pamilya naman po ay meron po tayong pulis na nakatalaga ngayon doon sa kung saan nakaburol yung ating biktima. 24 hours po yung duty nila hangga’t sa di naililibing yung kanilang mahal sa buhay,” dagdag pa nito. RNT/JGC