Home NATIONWIDE EO na magpapadali ng mga transaksyon sa gobyerno, tinintahan ni PBBM

EO na magpapadali ng mga transaksyon sa gobyerno, tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang lahat ng national government agencies at local government units (LGUs) na i-adopt at ipatupad ang pinagsama-samang financial management information system (IFMIS) sa pagpoproseso sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Sa paglagda sa Executive Order No. 29,  sinabi ng Pangulo na “the continued enforcement of the IFMIS would enable greater financial management and control of oversight and government agencies and ensure strict compliance to government accounting standards and policies.”

Ayon sa Pangulo, ang adopsyon ng IFMIS ng lahat ng ahensiya ng gobyerno ay magiging daan para mas lalo pang mapabuti ang treasury cash management, mapadali ang financial reports, at mapagaan ang reportorial requirements mula sa iba’t ibang antas ng pamahalaan.

Idagdag pa rito, tinukoy ng Chief  Executive sa kanyang EO na ang “administration is committed to improve bureaucratic efficiency by capitalizing on digitalization initiatives to ensure swift and efficient delivery of services to the public.”

Sa pinakabagong kautusan ng Pangulo, ang  government-owned or -controlled corporations (GOCCs) ay inaatasan din na mag-adopt at magpatupad ng IFMIS sa kanilang transaksyon.

Ipinag-utos din ni Marcos ang paglikha ng Public Financial Management (PFM) committee na siyang mangunguna sa development at implementasyon ng financial management reforms.

Ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), Commission on Audit (COA), at Bureau of Treasury (BTr).

Ang nasabing komite ay magsasagawa ng “policy at process review” ng mga pangunahing PFM processes gaya ng budget management, budget execution, cash management, accounting, at maging ang reporting.

Inatasan din ang komite na ayusin ang PFM processes at i-maximize ang paggamit ng financial systems para matiyak ang “seamless government transactions.”

Dapat din na bumuo ang komite ng  five-year plan para sa development at implementasyon ng IFMIS na nag-uugnay sa national government agencies kabilang na rito ang  DBM, DOF, COA, at BTr; bantayan, makipag-ugnayan, at mas pagbutihin ang integration, simplification, at harmonization ng financial management processes at information systems ng gobyerno; at magsagawa ng komprehensibong mid-term
review ng implementasyon ng PFM Reforms Roadmap.

Sa kabilang dako, ipinag-utos din ng Pangulo sa komite na magpalabas ng mga alituntunin na nauukol sa transitional arrangement na susundan naman ng lahat ng concerned government agencies sa full adoption ng IFMIS.

Samantala, inatasan din nito ang Department of Information and Communications Technology na magbigay ng technical at policy support sa development at implementasyon ng IFMIS. Kris Jose

Previous article1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, sangkot sa droga – PNP
Next articleHigit 200 mangingisdang apektado ng Mindoro oil spill, inayudahan ng P12K ng DSWD