Home ENTERTAINMENT EB, nasa TV5 na sa July!

EB, nasa TV5 na sa July!

Manila, Philippines – Totoong maraming nakabiting tanong makaraang magpaalam ang Eat Bulaga sa Tape, Inc. nitong May 31.

Mga tanong na pilit hinahanapan ng kasagutan.

For now until everything gets resolved, we can only come up with wild guesses.

Mga hula o prediksyon which are likely the course of EB’s direction.

Maugong ang balitang after GMA which was EB’s home for a good 28 years ay lilipat ito sa TV5.

Nitong May 29 diumano, two days before TVJ bade farewell, ay naplantsa na ang deal.

“Done deal” nga kung tawagin ito ng mga partidong sangkot sa TV5 transfer.

Kung ganoon, mapapanood na ba natin ang bagong bihis na programa sa TV5?

Ayon sa kolum ni Butch Francisco sa pika pika, ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5 will not expire until June 30 this year.

Problemado nga raw ang traffic division ng TV5 sa programang ito dahil sa pagiging overtime nito.

Bukod pa raw ito sa katotohanang It’s Showtime does not have impressive ratings.

At dahil nga hanggang June 30 pa ang kontrata nito, malamang na sa July na mapanood ang Eat Bulaga sa nasabing istasyong pag-aari ni Manny V. Pangilinan.

This will allow the EB production sufficent time to think of new, exciting segments sa kanilang pagbabalik.

Naiulat din na may standing offer din ang Net25, kung saan may individual programs na ang TVJ.

‘Yun nga lang, hindi masasabing financially feasible ang if ever paglipat doon ng EB.

Hindi pa kasi pinapasok ng mga advertisers ang Net25.

As we all know, ang advertisers ang nagsisilbing lifeblood ng anumang programa.

Saan nga naman kukunin ang pampasuweldo ng mga talents kung walang mapagkukunan?

Having said this, it is safe to say na sa July nga mapapanood ang EB sa bago nilang tahanan.

Ang tanong: anong studio ang gagamitin ng EB?

For one, TV5 has two: isa sa Reliance St. sa Mandaluyong o puwede ring sa San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

Pero kung EB ang gagamit, wala nang perfect o ideal studio kundi ang APT Studios na pag-aari ni Antonio P. Tuviera sa Cainta, Rizal.

If ever, TV5 will be EB’s fourth home in its 44-year history.

Tanging ang EB lang ang nakatala ng ganitong kasaysayan.

Ang pahabol na tanong: for good na kaya ito until it marks its 50th year?

Eat Bulaga pa rin ba o Dabarkads na ang pamagat? Ronnie Carrasco III

Previous articleDTI bumuo ng sistema vs unwarranted import surge sa pagsisimula ng RCEP
Next article1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, sangkot sa droga – PNP