Home NATIONWIDE 1 sugatan, 25 pamilya apektado sa sunog sa QC

1 sugatan, 25 pamilya apektado sa sunog sa QC

258
0

MAYNILA — Natupok ang 30 bahay na tinitirhan ng 25 pamilya o 84 indibidwal sa Barangay Central, Quezon City nitong Sabado.

Ayon sa opisyal ng barangay, isang tanod na tumulong sa pag-apula ng apoy ang dinala sa ospital matapos masugatan.

“Yung tanod namin, umakyat sa bubong. Nasugatan siya, nadulas, nahulog siya… may sugat siya sa kamay,” sabi ni Monica Bolina, kagawad ng Barangay Central.

Agad inakyat sa ikalawang alarma ang sunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Kuryente ang itinuturong sanhi ng sunog, ayon sa barangay.

“May butas yung wire na tinamaan ng ulan… nakita daw nila parang may kumislap sa wire, doon patungo sa may bahay ng nasunog… nung binuhusan ng tubig, biglang lumakas ang apoy… biglang may pumutok na tangke, ‘yun lumawak na yung sunog,” sabi ni Bolina.

Si Esterilina Mendoza, 69, inakay pa ng mga apo palabas ng kanilang bahay na nasusunog.
Naapula ang sunog bandang alas-9 ng gabi.

Nanunuluyan muna ang mga nasunugan sa isang covered court sa Barangay Central. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here