Home METRO 1 tigok, 2 sugatan sa tandem

1 tigok, 2 sugatan sa tandem

MANILA, Philippines- Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang babae habang malubhang sugatan ang dalawang biktima ng pananambang at pamamaril kahapon sa Teresa, Rizal.

Sa inisyal na ulat ni P/Maj. Edzel Macasero, hepe ng pulisya, kinilala ang mga biktimang sugatan na sina alyas Shanna, 30-ayos ng Teresa at isang alyas Veronica habang nasawi naman sa lugar ng pamamaril ang isang hindi pa kilalang biktima.

Dakong alas-5:35 ng hapon nang tambangan ang mga biktimang sakay ng Kawasaki tricycle na may plakang XMC-506 ng dalawang suspek na armado ng baril sakay ng Yamaha NMax at pinagbabaril ang mga biktima sa bahagi ng Pantay Road, Sitio Canlibut, Brgy., Bagumbayan sa lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon, mula ang mga biktima sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang tambangan at pagbabarilin ng mga tumakas na suspek.

Kasaluyan pang inaalam ng awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaril, habang nagsasagawa ang pulisya ng backtracking ng CCTV camera sa lugar at dragnet operation para sa ikadarakip ng mga suspek. Maritess Pumaras