MANILA, Philippines – Isang pedestrian ang namatay at siyam ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeepney at bumangga sa dalawang sasakyan sa Marcos Highway, Barangay Inarawan, Antipolo City, pasado alas-5 ng umaga nitong Miyerkules.
Kasama sa nasugatan ang isa pang pedestrian at pitong pasahero ng mga sangkot na sasakyan.
Arestado na ang driver ng jeepney, habang nangakong sasagutin ng operator ang pagpapagamot ng mga biktima at pagkumpuni ng mga nasirang sasakyan. RNT