Home HOME BANNER STORY Pasig RTC nakatanggap ng pagbabanta

Pasig RTC nakatanggap ng pagbabanta

321
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Korte Suprema na nakatanggap ng online na banta sa email ang mga hukom ng Pasig Regional Trial Court nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 16, 2025.

Ayon sa Supreme Court, mahigpit itong minomonitor ang sitwasyon, nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad, at nagpatupad na ng mga hakbang para sa seguridad ng mga hukom, kawani ng korte, at publiko.

“The Court is taking this matter seriously and is closely monitoring the situation. An investigation is underway, in coordination with law enforcement authorities,” ayon sa high court.

“Appropriate security measures have also been put in place to ensure the safety and protection of the judges, court personnel, court users, and the general public.”

Dagdag pa ng SC, “Ipagpapatuloy ng mga hukom ang kanilang tungkulin nang may integridad at katahimikan, alinsunod sa batas at katarungan,” at hinimok ang publiko na manatiling mapagmatyag at suportahan ang proseso ng hudikatura. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here