Home METRO 1 utas, 5 sugatan sa pamamaril sa fiesta sa NegOcc

1 utas, 5 sugatan sa pamamaril sa fiesta sa NegOcc

131
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Isang tao ang napatay at lima ang nasugatan sa isang shooting noong Linggo, Marso 22, sa fiesta sa Sitio Buntoranon, Barangay Washington, Escalante City, Negros Occidental.

Ayon kay Police Capt. Lindsey Caraballe, deputy chief ng Escalante City Police, pinagbabaril ng suspek ang biktima na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang patay.

Ang lima naman ay nasugatan ng stray bullets at kasalukuyang nagpapagaling.

Narekober sa lugar ang isang live bullet, anim na spent .45 caliber cartridge cases, at dalawang spent 9mm cartridge cases na kasalukuyang sinusuri sa forensic lab.

Ang 48-anyos na suspek ay sumuko sa awtoridad sa Barangay Bulwangan, San Carlos City, Negros Occidental, noong tanghali ng Linggo.

Haharapin niya ang kaso sa homicide, frustrated homicide, at physical injuries, at sasailalim sa paraffin test.

Pinuri ni Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay, PRO-NIR director, ang mabilis na aksyon ng mga pulis at maagang progreso sa kaso.

Patuloy ang follow-up investigation ng mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here