MANILA, Philippines – Patay ang isang babae sa banggaan ng dalawang sports utility vehicle (SUV) sa Opol, Misamis Oriental.
Base sa CCTV footage, isang SUV na nagmamaneho binabagtas ang isang intersection ang nakabangga ng isang kotse na sa sa sobrang lakas ng impak ay bumaligtad pa ito nang maraming beses.
Bunsod nito, isang 67-anyos na biktima ang dead on the spot dahil sa pinsala sa ulo habang anim na iba pa, kabilang ang tatlong bata, ay nasugatan at dinala sa ospital. Lahat sila ay miyembro ng iisang pamilya.
“Nasa pinakagilid siya sa backseat, nasa gilid talaga siya ng pintuan which is doon mismo ang point of impact. Nahampas siguro ang iyong ulo,” ani Opol police station investigator Police Staff Sergeant Daryl Cariliman.
Ayon sa imbestigasyon, ang isa pang driver na naging sanhi ng aksidente ay isang 17-anyos na nagsabing hindi siya pamilyar sa kalsada at hindi napansin ang intersection. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang driver.
Maaari siyang makaharap ng mga kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries. RNT