Home NATIONWIDE 10 grupo nagprotesta sa desisyon ng SC sa impeachment ni VP Sara

10 grupo nagprotesta sa desisyon ng SC sa impeachment ni VP Sara

226
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta ang 10 grupo kabilang ang mga kababaihan sa harap ng Korte Suprema para hilingin na baligtarin ang naging desisyon nito na ‘unconstitutional’ ang isinusulong na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ng grupo na kinabibilangan ng Tindig Pilipinas, NAGKAISA! Labor Coalition, Kalipunan ng KIlusang Masa na tahasang binabalewala ng Korte Suprema ang konstitusyon dahil sa pakikialam sa eksklusibong kapangyarihan ng Kamara sa pagtukoy sa legalidad ng impeachment complaint.

Ayon sa grupo, dapat bawiin ng Supreme Court ang kanilang desisyon upang maprotektahan ang demokrasya at maipatupad ang rule of law.

Kasabay ng kanilang kilos-protesta, naghain din sila ng Motion for Reconsideration at hinihikayat ang Korte Superema na respetuhin ang separation of powers.Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here