Home NATIONWIDE RECU-NCR dumipensa sa viral post tungkol sa K-9 dog na idineploy sa...

RECU-NCR dumipensa sa viral post tungkol sa K-9 dog na idineploy sa pagsabog sa Tondo

295
0

MANILA, Philippines – Dumipensa ang Regional Explosive Canine Unit ng National Capital Region (RECU-NCR) kaugnay sa viral post sa asong si “Kobe” na idineploy sa naganap na pagsabog sa Tondo, Maynila noong Linggo ng hapon.

Giit ng RECU-NCR, nasa maayos na kondisyon si Kobe na isang Police Service Dog (PSD) bago ideploy sa pinangyarihan ng pagsabog.

Iginiit din na sumailalim sa 15 araw na Refresher Training mula Mayo 26 hanggang Hunyo 13, 2025 kung saan ito ang isa sa dahilan kung bakit ang kanyang pangangatawan ay medyo pumayat pero physically fit.

Ang asong si Kobe o EDD KOBE ay isang uri ng Belgian Malinois na isinasailalim sa pagsasanay kung saan dumadaan ito sa mahigpit na pagsusuri at mga naaayong kwalipikasyon bago pumasa at gamitin sa pagseserbisyo.

Siniguro din ng RECU-NCR at MPD na nabibigyan ng tamang pagkain ang mga K9 at sila ay nasa maayos na pangangalaga ng mga beterinaryo

Sa isyu naman na mataba ang K9 handler na si Patrolman Victor Paulo Dy Buco na miyembro ng District Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ng MPD, nalaman na isa siyang Person with Disability (PWD) matapos maoperahan nang maaksidente sa motorsiklo noong 2022.

Dahil dito ay apektado ang kanyang kasalukuyang Body Mass Index (BMI) o pagtaba o pagtaas ng kanyang timbang lalo na’t limitado na lamang ang kanyang pagkakaroon ng physical activities subalit tuloy pa rin siya sa kaniyang serbisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here