MANILA, Philippines- Natukoy ang paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit sa 10 lugar sa Visayas at Mindanao, base sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa shellfish bulletin na may petsang Aug. 8, Huwebes, sinabi ng BFAR na natuklasan ang red tide toxins sa mga shellfish na nakolekta at sinuri mula sa mga sumusunod na lugar:
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte
coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay
coastal waters ng Daram Island sa Samar
coastal waters ng Zumarraga Island sa Samar
coastal waters ng Cambatutay Bay sa Samar
Matarinao Bay sa Eastern Samar
Cancabato Bay sa Leyte
Irong-Irong Bay sa Samar
Villareal Bay sa Samar