MANILA, Philippines- Narekober ng National Bureau of Investigation at ng Department of Environment and Natural Resources ang 60 colonies ng endangered stingless bees sa isang joint operation sa Nagcarlan, Laguna.
Base sa bureau, isang letter request mula sa DENR ang naging dahilan upang simulan ng NBI ang surveillance operation kung saan natukoy ang suspek sa Nagcarlan.
Sinabi ng NBI na natuklasan sa inspeksyon sa ari-arian ng suspek ang ilang colonies ng endangered stingless bees, kilala bilang “Biroi,” at pagbebenta ng pulot mula sa nasabing species.
Inilunsad ng NBI ang joint inspection at operation noong Agosto 6.
Itinurn-over ang mga bubuyog sa DENR para sa disposisyon.
Samantala, sinabi ng NBI na inamin ng suspek na kinukuha ang mga bubuyog mula sa isang nagngangalang “Julius” sa Majayjay, Laguna.
Inihahanda na ng bureau ang legal documents para sa reklamo laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.