Home NATIONWIDE 10 miyembro ng Dawlah Islamiya patay sa operasyon sa Lanao del Sur

10 miyembro ng Dawlah Islamiya patay sa operasyon sa Lanao del Sur

105
0

MANILA, Philippines – Nasawi sa operasyon ng pulisya at militar ang 10 miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group sa Barangay Banga-Pantar, Marantao town, Lanao del Sur, madaling araw ng Biyernes, Abril 17.

Ayon sa mga awtoridad, inilunsad ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-BARMM) para isilbi ang mga arrest warrant laban sa mga suspek.

Target ng operasyon ang mga miyembro ng Dawlah Islamiya sa ilalim ni Amerol Mangoranca, kilala bilang “Usman.”

Ang mga suspek ay sangkot sa pananambang sa apat na sundalo sa Barangay Lininding, Munai, Lanao del Norte, noong Enero 23, 2026.

Nilusob ng mga pulis at sundalo ang hideout ng grupo sa lugar at nauwi sa engkwentro na ikinasawi ng lahat ng 10 suspek.

Ang mga suspek ay nahaharap sana sa reklamong murder, frustrated homicide, homicide, at kidnapping with serious illegal detention.

Lumahok sa operasyon ang mga elemento ng CIDG-BARMM, PRO-BAR, at Philippine Army 103rd Infantry Brigade.

Sa 10 nasawing miyembro ng DI, anim ang lalaki at apat ang babae.

Kabilang sa mga kinilala ay sina Mangoranca (alias Usman), na pinaniniwalaang ameer o lider ng DI sa Lanao del Sur; Benjie Amir, alias Muslih/Benjie, sub-leader; Jamail Ibrahim, alias Orak; Fahmia Aminodin, alias Pakmin; Sohaile Borud Bato, alias Nasif/Muslim; Mohaimen Aragon, alias Turab; Nahara Khairiya Hamim, alias Yaqiyna/Polindan, asawa ni alias Benjie; at isang alias Polindan, asawa ni Usman.

Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa pang nasawing babae.

Narekober sa kanila ang limang high-powered firearms, kabilang ang dalawang M16 rifles, isang M4 rifle, isang M1 garand rifle, caliber .38 revolver, hand grenade at bomb components. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here