Home NATIONWIDE Zaldy Co iimbitahan sa pagdinig ng Blue Ribbon – Lacson

Zaldy Co iimbitahan sa pagdinig ng Blue Ribbon – Lacson

89
0

MANILA, Philippines – Iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa pagdinig sa maanomalyang flood control projects sa oras na makauwi na sa Pilipinas, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes, Abril 17.

Si Co ay naaresto sa Czech Republic nitong Huwebes ng gabi.

“Moving forward, kapag nandito na siya…at first opportunity, iimbitahan siya ng Blue Ribbon Committee dahil nung January, pinadalhan namin siya, along with Orly Guteza, ng show cause order kasi nung in-invite namin sila, hindi sila nakadalo,” sinabi ni Lacson sa panayam ng DZBB.

“Since then, wala pang nagiging action kasi nga wala siya rito. Pero ngayon, magkakaroon tayo ng opportunity na maimbitahan siya but of course, with leave of court. Kasi ang legal custody niya mapupunta sa Sandiganbayan once na ma-deport siya rito sa atin,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here