MANILA, Philippines – Sinabi ni PCOL Randy Glenn Silvio, Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD), ang matagumpay na pag-aresto sa 10 Most Wanted Persons (MWPs) sa sunud-sunod na manhunt operations na isinagawa ng iba’t ibang himpilan ng pulisya ng QCPD.
Ayon sa QCPD police nadakip sa joint operation ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PLTCOL Edison Ouano at Eastwood Police Station (PS 12) sa ilalim ni PLTCOL Christopher Siriban ang No.8 MWP ng PS 12 na kinilalang si alyas “Kristine”, 33 taong gulang, sa kanyang tirahan sa Brgy. Pansol, Anonas, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing Warrant of Arrest (WOA) para sa dalawang (2) counts ng Qualified Theft na inisyu ng Branch 306, RTC, Quezon City.
Kaugnay nito inaresto ng Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PLTCOL Rolando Baula ang kanilang No.9 MWP na kinilalang si alyas “Harry”, 50 anyos, alas-3:00 ng hapon Setyembre 22, 2025 sa kanyang tirahan sa Brgy. Lawa, Meycuayan, Bulacan. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Attempted Rape na inisyu ng Branch 98, Regional Trial Court (RTC), Antipolo, Rizal.
Samantala inaresto ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLTCOL Aljun Belista ang kanilang No.3 MWP na kinilalang si alyas “Elpidio”, 47 taong gulang, at residente ng Brgy. Kaligayhan, Novaliches, Quezon City at 4:30 PM of September 23, 2025 along Quirino Hi-way, Brgy. Tungkong Mannga, San Jose Del Monte, Bulacan. Mayroon siyang nakabinbing WOA for Homicide na inisyu ng Branch 309, RTC, Quezon City.
Karagdagan, dakong 6:30 ng gabi ng parehong petsa, inaresto ng mga operatiba ng PS 4 police ang kanilang No. 2 MWP na kinilalang si alyas “Jerome”, 22 taong gulang, sa kanyang tirahan sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa 7 counts ng Statutory Rape na inisyu ng Branch 86, RTC, Quezon City.
Habang inaresto ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ng PLTCOL Romil Avenido ang kanilang No. 5 MWP na kinilalang si alyas “T-JAY”, 19 taong gulang, at residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City noong 1:20 AM ng Setyembre 22, 2025 sa PS 6. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Panggagahasa na inisyu ng Branch 226, RTC, Quezon City.
Inaresto naman ng Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni PLTCOL Ramon Czar Solas ang kanilang No.6 MWP na kinilalang si alyas “Rovic”, 24 anyos at residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City at 1:50 AM, September 21, 2025 at No. 88 Kalayaan Ave., Brgy. Diliman, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa paglabag sa R.A. 10883 (Bagong Anti-Carnapping Act of 2016) na inisyu ng Branch 297, RTC, Pasay City.
Kaugnay nito inaresto ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa ilalim ni PLTCOL Rowena Amata ang kanilang No.9 MWP na kinilalang si alyas “Roy”, 27 anyos, alas-3:10 ng hapon noong Setyembre 23, 2025 sa kanyang tirahan sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. Mayroon siyang nakabinbing WOA para sa Panggagahasa na inisyu ng Branch 92, RTC, Quezon City. Sa pag-verify sa pamamagitan ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) system, nabunyag na ang akusado ay may nakaraang kaso ng Acts of Lasciviousness noong Setyembre 2025. (Santi Celario)