Home METRO 13 pagyanig naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon

13 pagyanig naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon

268
0

MANILA, Philippines – Labing tatlong (13) volcanic earthquake ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag iniulat kanina Setyembre 25, 2025 (Huwebes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas sa alert level 2 ang paligid ng bulkang  Kanlaon.

Naitala rin ang pagbuga ng usok sa tuktok ng bulkan na may taas na 75 meters.

Kaugnay nito sinabi ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng ano mang uri ng aircraft malapit sa  bunganga ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na ang pagbabawal na pagpasok malapit sa bulkan ay dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Ang bulkang Kanlaon ay matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here