SOMALIA – Aabot sa 10 ang nasawi matapos na targetin ng isang suicide bomber ang pila ng mga kabataang nagpaparehistro para makapasok sa Damanyo military base sa Mogadishu.
Nakapila sa gate ng base militar ang mga kabataan nang magpasabog ang umatake.
“I was on the other side of the road. A speeding tuk-tuk stopped, a man alighted, ran into the queue, and then blew himself up. I saw 10 people dead, including recruits and passers-by. The death toll may rise,” anang isa sa mga nakapila.
Nagkalat sa kalsada ang mga abandonadong sapatos, maging ang labi ng suicide bomber.
“Abruptly, a deafening blast occurred, and the area was covered by dense smoke. We could not see the details of casualties,” sinabi pa ng isang saksi na kinilalang si Abdisalan Mohamed.
Bukod sa mga nasawi, tumanggap umano ang military hospital ng 30 sugatan sa pagsabog.