MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na Norwegian nationals na naanod sa baybayin ng Cabugao Bay sa Virac, Catanduanes.
Sa isang pahayag nitong Linggo, Mayo 18, iniulat ng PCG na ang coast guard station nito sa Catanduanes ay nakatanggap ng distress call mula sa “SY Nora Simrad” sailboat, na humantong sa isang coordinated search-and-rescue operation.
Ngunit dahil sa limitadong visibility at hindi magandang pakikipag-ugnayan sa radyo, hiniling ng PCG sa Tactical Operations Group 5 ng Philippine Air Force na magsagawa ng aerial surveillance.
Matapos mahanap ng PAF ang posisyon ng yate, ipinaalam ito sa Coast Guard, na nagpadala ng tugboat na M/T Iriga mula sa Legazpi Port upang hilahin ang yate.
Lahat ng apat na Norwegians ay nasuri ng Coast Guard Medical Station Bicol at nasa maayos na kondisyon, ayon sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden