Home NATIONWIDE Iba pang opisyal na sangkot sa P1.4B land deal ng OWWA, iimbestigahan...

Iba pang opisyal na sangkot sa P1.4B land deal ng OWWA, iimbestigahan ng DMW

183
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Mayo 19, kung may iba pang opisyal nito, maliban sa sinibak na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio, na sangkot sa umano’y P1.4-bilyong land acquisition deal.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na nangangalap pa sila ng karagdagang impormasyon tungkol sa maanomalyang deal, na hindi umano awtorisado ng OWWA board, bago magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot.

Ang P1.4-billion land purchase deal sa ilalim ng pamumuno ni Ignacio ay para sa isang halfway house o dormitory-type accommodation ng mga overseas Filipino workers na matatagpuan malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ayon kay DMW Undersecretary Patricia Yvonne “PJ” Caunan.

Aniya, sinusuri pa rin ng DMW kung dapat ituloy ang proyekto o hindi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here