Home NATIONWIDE Pagcor nagbabala sa publiko laban sa pekeng gaming certifications

Pagcor nagbabala sa publiko laban sa pekeng gaming certifications

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa publiko laban sa pekeng gaming certifications na umano’y iniuugnay sa Lucky 7 Bingo Corporation.

Sa ipinalabas na kalatas ng Pagcor, araw ng Lunes, sinabi nito na ang Lucky 7 Bingo Corporation ay kasalukuyang nago-operate ng lehitimong E-Games venue license.

Gayunman, sinabi ng Pagcor na nakatanggap ito ng report na ang kompanya ay may contract agreements sa mga indibiduwal na nagkukunwari ay nag-aalok ng “guidance and support to potentially earn P50,000 through the Lucky 7 Bet Lottery Platform.”

Bilang bahagi ng bogus agreement, sinabi ng Pagcor na ang bettors ay kinakailangan na magpaunang initial cash deposit na P3,000.

Ayon sa Pagcor ang license referenced sa nasabing kasunduan ay ‘fake offshore gaming license’ lalo pa’t ang lahat ng offshore gaming operations ay opisyal na ipinagbawal na sa Pilipinas simula pa noong Disyembre 31, 2024.

“While Lucky 7 Bingo Corporation is a legitimate licensee for E-Games venue operations as of April 30, 2025, it does not hold any valid offshore gaming license,” ang sinabi ni Pagcor Offshore Gaming and Licensing Department Head Jessa Fernandez.

“The license presented in said agreements is fake, and any engagement based on it is fraudulent. We strongly advise the public to exercise due diligence when engaging with entities claiming to be PAGCOR-accredited,” aniya pa rin.

Winika pa ni Fernandez na ang opisyal na mga katanungan ukol sa Pagcor licenses ay dapat na gawin lamang sa pamamagitan ng website ng Pagcor o sa pamamagitan ng trunkline numbers +632 8521-1542 / +632 8522-0299.

“We urge the public to remain vigilant and always verify the legitimacy of a PAGCOR-licensed gaming entity before entering into any agreements or making any form of payment,” ang sinabi pa rin ni Fernandez. Kris Jose