Home NATIONWIDE Big-time oil price hike asahan bukas!

Big-time oil price hike asahan bukas!

MANILA, Philippines – MATAPOS ang magkasunod na bawas presyo sa mga produktong petrolyo na ipinatupad ng mga kompanya ng langis sa bansa, magpapatupad naman sila ng malakihang dagdag presyo epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng malakihang dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1.70 sa kada litro ng diesel, at P1.20 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May big time oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.

Ang ipatutupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes