Home METRO Misis patay sa saksak sa leeg

Misis patay sa saksak sa leeg

ILOCOS SUR- Walang suot na damit pang-ibaba at naliligo sa sariling dugo ang isang 37-anyos na misis nang madatnan ng kanyang mister sa loob ng bahay nila sa bayan ng San Vicente ng lalawigan ito kagabi, Mayo 18.

Kagagaling ng kanyang mister sa trabaho at nabigla na lang siya pagdating niya ng bahay nang makitang duguan ang kanyang misis, may saksak sa leeg, at walang suot na damit pang-ibaba.

Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin. Rolando S. Gamoso