Home NATIONWIDE 10 sa 18 ex-marines lumagda sa affidavit sa NBI

10 sa 18 ex-marines lumagda sa affidavit sa NBI

154
0

MANILA, Philippines – Sampu sa 18 dating umano’y Philippine Marines at tauhan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang lumagda na sa affidavit na inihanda ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nangyari ito matapos ang hiwalay na panayam ng NBI sa mga Marines.

Bahagi ito ng imbestigasyon sa umano’y pagdadala ng maleta ng pera sa ilang opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni lawyer Levi Baligod, abogado ng mga Marines, na pirmado na ang mga affidavit ngunit hindi pa ito naisusumpa.

Samantala, hinihintay pa ng kampo ng mga Marines ang pagpapatawag ng NBI sa natitirang walong indibidwal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here