GAZA – Umabot sa 100 ang bilang ng mga nasawi sa panibagong opensiba ng Israel sa Gaza.
Ayon sa Israeli military nitong Sabado, Mayo 17, nagsimula na sila sa “initial stages” ng kabi-kabilang srtike.
Ang operasyon ay bahagi umano ng “expansion of the battle in the Gaza Strip, with the goal of achieving all the war’s objectives, including the release of the abducted and the defeat of Hamas.”
Sa hiwalay na pahayag, sinabi na ang army ay “mobilizing troops to achieve operational control in areas of the Gaza Strip.”
Ibinalik ng Israel ang opensiba nito sa Gaza noong Marso 18 matapos ang dalawang buwang tigil sa giyera laban sa Hamas. RNT/JGC