Home NATIONWIDE Apela ni Pope Francis vs global arms race muling ipinanawagan ni Pope...

Apela ni Pope Francis vs global arms race muling ipinanawagan ni Pope Leo

MANILA, Philippines – Sinang-ayunan ni Pope Leo XIV nitong Biyernes, Mayo 16, ang agarang apela ng kanyang hinalinhan para sa global disbarment, na nagbabala na hindi makakamit ang pangmatagalang kapayapaan habang patuloy na pinapasigla ng mga bansa ang karera ng armas.

“There must also be a resolve to halt the production of instruments of destruction and death, since, as Pope Francis noted in his last Urbi et Orbi message: No peace is ‘possible without true disarmament (and) the requirement that every people provide for its own defense must not turn into a race to rearmament,” pahayag ng American pontiff.

Binigyang-diin din ng bagong Papa ang kapayapaan ay dapat batay sa katarungan at pagagalang sa dignidad ng tao.

Diin ni Pope Leo na ang dignidad ay nananatiling pare-pareho anuman ang katayuan ng isang tao.

Nagtapos siya sa isang panawagan para sa pandaigdigang pag-renew at pagkakaisa, na hinihimok ang mundo na “iwanan ang mga salungatan” at magtulungan para sa katarungan at kapayapaan, lalo na sa mga rehiyong nasalanta ng digmaan tulad ng Ukraine at Holy Land.

Samantala, sinabi ng Vatican Secretary of State Pietro Parolin na ang potensya na pagpupulong sa pagitan ni Pope Leo at US Secretary JD Vance sa panahon ng inagurasyon ng papa ay nananatiling hindi tiyak dahil sa mahigpit na iskedyul. Jocelyn Tabangcura-Domeden