Home METRO 1,000 animal bite cases, naitala sa unang dalawang buwan ng taon sa...

1,000 animal bite cases, naitala sa unang dalawang buwan ng taon sa Baguio City

184
0

BAGUIO CITY, Philippines – Nakapagtala ang Animal Bite Treatment Center (ABTC) ng lungsod ng Baguio ng 1,000 kaso ng kagat ng hayop sa unang dalawang buwan ng taon, ayon sa City Health Services Office (CHSO).

Ayon kay Nurse Agnes Johanna Abad, manager ng ABTC, ang mataas na bilang ay nagpapakita ng pagtaas ng kaalaman ng publiko sa mga serbisyong available sa city health facility.

Noong 2024, umabot sa 8,156 ang naitalang animal bite treatments, habang bumaba ito sa 7,099 noong nakaraang taon.

Sinabi ni Abad na wala pang naitatalang kaso ng rabies sa lungsod, maliban sa isang kaso sa hayop noong 2021. Pinayuhan niya ang mga nakagat ng alagang hayop o gala na aso at pusa na agad magpagamot upang matukoy ang uri ng kagat at tamang lunas.

Tiniyak ng CHSO na ligtas at maayos ang mga bakuna para sa mga pasyente. Dagdag ni Abad, “Rabies is 100 percent preventable but 100 percent fatal.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here