MANILA, Philippines- Nagresulta ang kampanya ng pamahalaan laban sa kriminilidad sa pagkakaaresto sa 1,046 indibidwal at pagkakakumpiska sa P169.5 milyong halaga ng ebidensya noong Abril, ayon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Linggo.
Sa news release, sinabi ni CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III na kabilang sa mga nadakip ang 16 dayuhan, dalawang national most wanted persons (MWPs) na may pabuya, 102 regional MWPs, 74 provincial MWPs, tatlong miyembro ng criminal group at isang communist terrorist group.
Aniya, nagsagawa ng 837 operasyon noong Abril, narekober ang 118 loose firearms, anim na explosives, 127 assorted magazines, at 1,896 rounds of assorted ammunition.
Sinabi ni Torre na 110 criminal complaints ang inihain sa National Prosecution Service.
Pinuri naman niya ang CIDG “for making the country a better place to live and do business.” RNT/SA