
TINGNAN: Naghain ng petisyon ang United Nationalist Alliance (UNA) sa Makati Metropolitan Trial Court, sa layuning madiskwalipika ang mahigit 10,000 umano’y pekeng rehistradong botante.
Iginiit ng UNA na ito ay hindi lamang isang legal na aksyon kundi isang laban upang protektahan ang kapayapaan ng darating na halalan sa Lunsod ng Makati.
Batay sa impormasyon mula sa mga residente ng Makati, at na-validate ng sariling imbestigasyon ng grupo, mayroong mahigit 50,000 flying voters na nakalusot sa roster of voters ng Lunsod. Cesar Morales