Home NATIONWIDE 10M Yen kinumpiska ng BOC sa pasahero sa Mactan-Cebu airport

10M Yen kinumpiska ng BOC sa pasahero sa Mactan-Cebu airport

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Subport of Mactan ang hindi idineklarang JP¥10,000,000 na cash na may katumbas na US$69,065, mula sa isang paparating na pasahero sa Mactan-Cebu International Airport.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang undeclared foreign currency ay kinumpiska mula sa isang Korean citizen.

“The freely importable amount of JPY1,480,000 or the equivalent amount of USD10,000 was released to the passenger, however, the Subport of Mactan recommended the issuance of a warrant of seizure and detention against JPY8,520,000,” ayon sa BOC.

Inirekomenda ang warrant dahil nilabag nito ang mga regulasyon ng Banko Sentral ng Pilipinas sa cross-border currency transfers at Customs Modernization and Tariff Act.

“We urge all travelers to comply with the declaration requirements to avoid any inconvenience or legal consequences,” ani BOC-Subport of Mactan Collector Gerardo Campo.

Nabatid sa BOC na ang mga halagang lampas sa $10,000 ay dapat ideklara sa pamamagitan ng E-Travel system at Foreign Currency Declaration Form sa pagdating at pag-alis sa alinmang paliparan ng Pilipinas. Jay Reyes