MANILA, Philippines- Patay ang 11 indibidwal habang pito ang sugatan sa kaguluhan sa pagitan umano ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules, base sa mga pulis nitong Huwebes.
“[Eleven] were killed while 7 were wounded all members of MILF,” pahayag ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR).
“Wounded were all brought to the nearest hospital for medical attention while the cadavers of the [killed in action] were claimed by their respective families for the preparation of burial in accordance with Muslim burial rites,” dagdag nito.
Walang naiulat na nasugatang sibilyan sa insidente at balik-normal na ang sitwasyon sa lugar, base sa PROBAR.
Binabantayan naman ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army personnel ang lugar.
Ayon sa PROBAR, magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa pakikipag-ugnayan sa MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), Philippine Army, at iba pang kaukulang ahensya upang matukoy ang sanhi ng insidente.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento si MILF Peace Implementing Panel chair Mohagher Iqbal ukol dito. RNT/SA