Home NATIONWIDE Sen. Tol namahagi ng tulong sa mga biktima ni Kristine sa Batangas

Sen. Tol namahagi ng tulong sa mga biktima ni Kristine sa Batangas

Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino on Thursday led the distribution of relief packs to nearly 2,000 families staying in different evacuation centers in Talisay, Laurel, Agoncillo, and Lemery – the municipalities of Batangas that bore the worst impacts of typhoon Kristine last week.

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino nitong Huwebes ang pamamahagi ng relief goods sa halos 2,000 pamilya sa apat na munisipalidad sa buong Batangas na ang mga komunidad ay sinalanta ng bagyong Kristine noong nakaraang linggo.

Namahagi si Tolentino at ang kanyang grupo ng relief packs sa mga pamilyang nananatili sa iba’t ibang evacuation center sa Talisay, Laurel, Agoncillo, at Lemery – ang mga munisipalidad ng lalawigan na matinding sinalanta ng bagyo.

Sa Talisay, sinabi ni Tolentino sa evacuees na ang kanilang bayan at ang kanyang sariling Lungsod ng Tagaytay ay magkapareho ng hanggahan ng mga kalapit na local government units. 

“Kaya sa huling pagsabog ng bulkang Taal, agad akong tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagpapasimula ng pagtatayo ng isang proyektong pabahay para sa 400  relocated na pamilya,” sinabi niya sa mga mamamahayag sa isang panayam.

Bumisita rin ang senador sa Talisay nitong Martes para makiramay sa mga biktima ng malawakang landslide na kumitil sa 20 buhay, karamihan ay mga bata. 

Nagpaabot din siya ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima at nakiisa sa mga seremonya ng libing para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, pinangunahan ng anak ng senador na si Tagaytay City Councilor Michael Francis ‘Micko’ Tolentino ang pamamahagi ng relief goods sa Lemery. Ang isa pa niyang anak na si Patrick Andrei Tolentino ay nanguna sa mga relief team sa Laurel at Agoncillo.

“Sa pag-alala sa ating mahal na yumao sa darating na weekend, nawa’y ipagdasal din natin ang kaligtasan ng ating mga kababayan na nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa bagyong Kristine,” anang senador.

“Marami rin sa kanila ang nawalan ng mga mahal sa buhay, at nagpupumilit na makabangon at muling itayo ang kanilang mga tahanan.” RNT