Home NATIONWIDE 11 Pinoy nakulong sa Nigeria sa cyber fraud

11 Pinoy nakulong sa Nigeria sa cyber fraud

258
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Economic and Financial Crimes Commission (EFCC) ng Nigeria na hinatulan ng isang korte sa Lagos ang 15 dayuhang Asyano.

Kabilang dito ang 11 ay Pilipino, 2 Tsino, 1 Malaysiano, at 1 Indonesiano—ng isang taong pagkakakulong at multang ₦1 milyon (humigit-kumulang ₱36,000) bawat isa dahil sa kasong cyber-terrorism at internet fraud.

Ayon sa EFCC, inakusahan ang mga dayuhan ng pagre-recruit ng mga kabataang Nigerian para sa identity theft at pagpapanggap bilang banyaga. Ipinag-utos rin ng korte na kumpiskahin ng gobyerno ng Nigeria ang mga electronic device na nakuha mula sa mga nahatulan.

Patuloy ang laban ng Nigeria kontra online scam, lalo na’t sinasamantala umano ng mga banyagang sindikato ang kahinaan ng bansa sa cybersecurity.

Noong Disyembre, 792 suspek ang inaresto sa isang operasyon sa Lagos, kung saan 148 sa kanila ay mga Tsino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here