Home NATIONWIDE 11 police officials sibak sa pwesto sa underperformance

11 police officials sibak sa pwesto sa underperformance

72
0

MANILA, Philippines – Inalis sa pwesto dahil sa umano’y underperformance ang 11 pulis ng Police Regional Office 1 (PRO-1), kabilang ang provincial director at ilang chiefs of police, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay kasunod ng isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga hinihinalang illegal gambling dens sa Pangasinan nitong Abril.

Nilinaw naman ni PNP spokesperson P/BGen. Randulf Tuaño, na ang hakbang ay nag-ugat sa kautusan ni PNP chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nag-uutos sa regional directors na suriin ang operational at administrative accomplishments ng kanilang mga tauhan.

“Ang nag-trigger sa pagkaka-relieve ng mga nasabing opisyal ay ‘yung instruction ni chief PNP para sa mga regional directors na i-assess ‘yung operational and administrative accomplishment ng mga nasabing bayan,” ani Tuaño.

“Ang NBI raid na nabanggit, ito ay isa lamang sa kadahilan na magpapatunay na may kakulangan ‘yung ating mga opisyal roon,” dagdag pa.

Ayon kay Tuaño, nakita sa evaluation na ang mga opisyal ay mayroon namang mga nagawa, ngunit hindi umabot ang operational performance ng mga ito sa target at lumutang na mga pangamba sa accuracy ng reporting.

“Kapag nag-counter ang national headquarters, halimbawa ang CIDG o ibang counterpart agencies tulad ng NBI at mahulihan ka ng mas marami kaysa sa nire-report mo, nagpapakita ito na hindi nagta-tally ang reporting sa aktwal na nangyayari,” paliwanag niya.

Kabilang sa mga apektadong opisyal ay isang provincial director, walong chiefs of police, at dalawang division heads na na-reassign sa Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Crame habang sumasailalim sa administrative investigation ng PNP National Headquarters.

Nauna nang nagpatupad ng kaparehong hakbang ang PRO-4A sangkot ang tatlong tauhan bilang hakbang na pagbutihin pa ang leadership effectiveness at operational performance.

“Ang layunin natin dito ay masigurong tuloy-tuloy ang pag-improve ng serbisyo ng bawat unit. Hindi ito bagong polisiya, kundi paalala na kailangan nating panatilihin ang mataas na pamantayan ng performance sa lahat ng oras,” sinabi ni Nartatez sa hiwalay na pahayag.

“Kung may kailangang ayusin, ayusin natin agad. Ang mahalaga ay maramdaman ng tao ang resulta ng ating trabaho.”

Sa ilalim ng direktiba, ang mga tauhan at unit leaders na makikitang underperforming ay maaaring ma-reassign o ma-relieve sa pwesto para magbigay-daan sa mga opisyal na mas magagawa nang epektibo ang kanilang trabaho. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here