Home NATIONWIDE 11 volcanic quakes naitala sa Kanlaon

11 volcanic quakes naitala sa Kanlaon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Kanlaon ng 11 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Hunyo 11, iniulat ang 1,294 tons ng sulfur dioxide emission nitong Martes.

Dahil dito ay nananatili sa Alert Level 3 ang babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC