Home NATIONWIDE DOLE nagpaalala sa pay rules para sa Araw ng Kalayaan

DOLE nagpaalala sa pay rules para sa Araw ng Kalayaan

346
0

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-127th anibersaryo ng Independence Day, ang mga empleyado na papasok sa trabaho sa Hunyo 12 na isang holiday ay may karapatang makatanggap ng double pay.

Ito ay alinsunod sa mga tuntunin sa pagbabayad ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa regular holiday ng Hunyo 2025 sa pamamagitan ng Labor Advisory No. 08, series of 2025, na nilagdaan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Idineklara ng Malacanang ang Hunyo 12 bilang regular holiday bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

“For work done during the regular holiday, the employer shall pay a total of 200% of the employee’s wage for that day for the first eight hours (Basic wage x 200%),” ayon sa advisory.

Samantala, ang mga empleyado na hindi papasok sa trabaho sa nasabing araw ay mabibigyan ng 100% ng kanilang sahod, sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad bago ang regular holiday.

Naglabas din ang DOLE ng sumusunod na tuntunin para sa pagbabayad ng sahod para sa June regular holiday.

-Kapag ang trabaho ay ginawa na lagpas ng walong oras, ang empleyado ay may karapatan sa karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw (Hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x bilang ng oras ng trabaho).

– Para sa trabaho na ginawa sa panahon ng regular holiday na pumatak sa rest day ng empleyado , sila ay dapat makatanggap ng karagdagang 30% ng kanilang basic wage ng 200% (basic wage x 200% x 130%).

– Para sa trabaho na ginawa na lagpas sa walong oras sa panahon ng regular holiday na pumatak sa pahinga ng employee, sila ay makakatanggap ng karagdagang 30% ng kanilang houry rate sa nasabing araw (Hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na pinasok). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here