MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Army (PA) na ang lahat ng 115,000 tropa nito ay tutulong sa Philippine National Police (PNP) sa pag-secure sa darating na midterm elections.
“Yung (buong) 115,000. Lahat tayo ay magko-commit dahil gusto nating maging matagumpay ang demokratikong ehersisyong ito. Baka wala tayo sa front lines, baka nasa likod tayo, nangongolekta ng impormasyon, ibinabahagi itong impormasyon sa mga kinauukulang ahensya para sa kanilang nararapat na aksyon. But the whole Army is committed to make this election a success,” ayon kay PA commander Lt. Gen. Roy Galido sa media briefing nitong Lunes.
Ayon pa sa Philippine Army nakikipagtulungan din aniya ang mga Army commander sa PNP sa pagtukoy ng mga “critical areas” na nauna nang natukoy ng Commission on Elections (Comelec).
“Ang tungkulin natin ngayon sa Army ay ihanda ang tropa, ihanda ang ating mga unit para masuportahan ang PNP at Comelec sa gawaing ito,” ani Galido.
Idinagdag pa ng PA chief na ang deployment ng mga tropa ay “smoothly” bago ang halalan. (Santi Celario)