
San Fernando, Pampanga – Isang mabilis na police operation ang naganap sa Brgy. Anunas, Angeles City noong Pebrero 18, 2025, bandang 5:30 PM, kung saan isang armadong suspek ang napatay habang ang kanyang kasamahan ay nasugatan at naaresto matapos ang engkwentro sa mga awtoridad.
Inalerto ng Angeles City Command Center ang Angeles City Police Office (ACPO) tungkol sa dalawang kahina-hinalang indibidwal na gumagala sa Korean Town, isang lugar na may mga naitalang insidente ng pang-aagaw. Dahil dito, agad na nagsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng City Intelligence Unit (CIU) at Police Station 4 (PS4), ACPO.
