MANILA, Philippines – Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng senatorial aspirants na idineklara ng komisyon bilang mga nuisance candidates para sa 2025 national at local elections.
Kabuuang 117 aspirants ang idineklarang nuisance ng komisyon base sa dokumento mula sa Office of the Clerk ng Comelec.
Kabilang sa idineklarang nuisance candidate ay ang isang Francis Leo Antonio Marcos at Daniel Ronquilo Magtira.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na maaari pang maghain ng motion for reconsideration o MR ang mga nasa listahan.
Paliwanag ni Garcia, ang desisyon ng Comelec Division ay hindi pa pinal maliban na lamang kung hindi maghain ng MR sa tamang panahon.
Ayon kay Garcia, mayroong limang araw ang mga nasa listahan mula sa pagtanggal nila ng resulosyon ng Comelec Division para maghain ng MR.
Sinabi naman ni Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco, na kapag ang Korte Suprema ay hindi naglabas ng Temporary Retraining Order (TRO) sa apela ng petitioners, agad gagawing executory ang desisyon ng Komisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden