NUEVA ECIJA POLICE PROVINCIAL OFFICE –PCOL FERDINAND D GERMINO, Acting Provincial Director, NEPPO, patuloy na nagsasagawa ng field inspections sa mga tauhan ng PNP na namamahala sa mga checkpoint sa buong Nueva Ecija.
Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 1,183 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban hanggang nitong Linggo.
Pinakamaraming naitalang pag-aresto sa Metro Manila na may 358, sinundan ng Central Luzon na may 183 at Central Visayas na may 176.
Kabilang sa mga nahuli ang pitong tauhan ng PNP, pito mula sa Armed Forces of the Philippines, anim na mula sa ibang law enforcement agencies, dalawang halal na opisyal ng gobyerno, at dalawang itinalagang opisyal. Nahuli rin ang isang CAFGU Active Auxiliary, anim na dayuhan, dalawang menor de edad, 24 na security guard, at 1,126 sibilyan.
Narekober ng mga awtoridad ang 1,177 armas, kabilang ang 471 revolver, 346 pistol, 50 gun replica, 29 pampasabog, 27 Class A guns, 11 rifle, 10 shotgun, apat na Class B guns, at 229 iba pang sandata.
Epektibo ang gun ban mula Enero 12 hanggang Hunyo 11 sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11067 upang mabawasan ang karahasang may kaugnayan sa eleksyon.
Sa ngayon, isang kumpirmadong election-related violent incident ang naitala sa Western Visayas, habang dalawa pa ang iniimbestigahan sa Zamboanga Peninsula at Soccsksargen. Santi Celario