Home NATIONWIDE University of Cebu grad nanguna sa Feb 2025 Mechanical Engineers Licensure exam

University of Cebu grad nanguna sa Feb 2025 Mechanical Engineers Licensure exam

MANILA, Philippines – Nakakuha ng pinakamataas na marka sa Pebrero 2025 Mechanical Engineers Licensure Examination, ang isang nagtapos mula sa University of Cebu, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC).

Si Nico Anthony Ferenal Tejano ay nakakuha ng percentage rating na 93.50, ang pinakamataas sa 3,089 na matagumpay na humarang sa pagsusulit.

Ang iba pang Top 10 examinees ay ang mga sumusunod:

Si Ivan Joey Ablanido Gadot, mula Iloilo Science & Tech, University, 92.15; Jerome Moog Igbus na nagtapos sa Batangas State University na nakuha ng percentage rating na 91.30; si Lorie Jay Santiago Dela Cruz, ng Saint Louis University na nakakuha ng 90.80 habang si Giann Dominic de Castro Manalo ng Batangas State University, na may rating na 90.05; Francis Vionn Gonzaga Jesura ng Iloilo Science & Tech University (89.80); Marksen Viktor Odulio Lizarondo ng Lyceum of the Philippines-Cavite (89.65); Chance Benavdez Baladad ng Saint Louis University (89.50); Ziddney Alvarez Jandusay ng Batangas State University (89.10); John Rey Bellita fabre ng University of Cebu ( 88.90).

Ang top performing schools na may 50 o higit na examinees at halos 80% passing percentage ay: University of the Philippines-Diliman; Batangas State University – Alangilan; at University of Science and Technology of Southern Philippines – CDO.

Samantala, ang matagumpay na examinee na nakakuha ng pinakamataas na pwesto sa February 2025 Certified Plant Mechanics Computer-based Licensure Examination ay si Aristeo Bucog Misa Jr., mula sa Western Mindanao State University – Zamboanga City, na nakakuha ng percentage rating na 81.55%. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)