MANILA, Philippines – Ipatutupad sa EDSA People Power Revolution ngayong Pebrero 25 ang patakarang “no work, no pay,” ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ipinalabas na labor advisory, walang mandato ang employer na bayaran ang isang empleyadong hindi magre-report sa trabaho ng Peb. 25, na idineklara na special (working) day.
Ang mga manggagawa na mag-uulat sa trabaho ay dapat makatanggap ng 100 percemt ng pasahod para sa nasabing araw para sa unang walong oras.
Makakatanggap naman ng karagdagang 25 percent ang manggagawa kapag nagtrabaho na lagpas sa walong oras ng kanilang hourly rate para sa nasabing araw.
Inilabas ng DOLE ang pay rules alinsunod sa Proclamation No. 727, Series of 2024 para sa layunin ng pagbabayad ng sahod at wage-related benefits. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)