MANILA, Philippines – Sa ikawalong taon ng Villar Foundation Awards, pinarangalan ang mga natatanging youth organizations mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa paglaban sa kahirapan sa kani-kanilang mga komunidad.
Sampung grupo ang kinilalang Outstanding Youth Organizations at tumanggap ng ₱150,000 cash prize at tropeo. Dalawa naman ang itinanghal bilang Promising Youth Groups, na ginawaran ng sertipiko at ₱100,000 cash prize.







