Home METRO 12 ismagel na sasakyan mula US nabuking ng BOC

12 ismagel na sasakyan mula US nabuking ng BOC

241
0

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa mahigit P10 milyong halaga ng mga ismagel na sasakyan na nagmula sa United States ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa dalawang shipment na naglalaman ng 12 sasakyan sa Port of Manila.

Ayon sa BOC, idineklara na naglalaman ang dalawang shipment ng “assorted car accessories and supply” ngunit nang inspeksyunin ay naglalaman ito ng apat na 2000 Honda Civic units, tatlong 1998 Honda Civic units, isang 1996 Acura Integra, isang 1999 Honda Civic, isang 2022 Honda S2000, isang 2004 Honda S2000, at isang 2007 Mini Cooper S.

Sinabi ng BOC na ang tinatayang halaga ng kargamento ay P10.8 milyon.

Ang mga shipment na dumating sa Manila International Container Port (MICP) ay naka-consign sa Danesh Consumer Goods Trading mula sa United States, at napag-alamang may 12 motor vehicles matapos isailalim sa x-ray imaging makaraang makatanggap ng impormasyon ang BOC na ang mga ito ay misdeclared at undeclared items.

“The bureau will file the appropriate cases and make sure that these organizations will be held responsible. The BOC is not beating around the bush. We have an all-hands-on-deck approach and we are ready to use all our resources — both technical and technology — to get to the bottom of these smuggling activities,” ani BOC commissioner Bienvenido Rubio. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here