MANILA, Philippines- Nasagip ang ilang indibidwal na biktima ng human trafficking sa Zamboanga City.
Sa natanggap na impormasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), ibinunyag na ang Vessel Safety Enforcement Inspection team ay naghahanap ng dalawang menor-de-edad sa isang pribadong patalan sa Baliwasan Seaside patungo sa Taganak Island sa Tawi-Tawi.
Ang nasabing mga menor-de-edad ay iniulat na patungong Sabah para magtrabaho.
Gayunman, walang nakitang menor-de-edad na nakasakay sa anumang sasakyang-dagat sa panahon ng inspeksyon.
Sa kabila nito, 12 pasahero ng nakita ng PCG na sakay ng M/L STI na mga potensyal na biktima ng human tafficking na patungo din sa Taganak Island na karaniwang tinatawag na Southern backdoor.
Kabilang sa mga indibidwal ang limang babae ay iniulat na residente ng Maynila, Las Piñas City, Taguig City, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay.
Nasa kustodiya sila ng mga awtoridad para sa pagproseso bago sila pauwiin sa kanilang pinanggalingan. Jocelyn Tabangcura-Domenden